Book 1 to 5 (image from http://hisashi26.multiply.com)

Just recently I was able to watch a documentary on a local news channel about discovering the true identity of the infamous writer, Bob Ong, And though I am a big fan of his works, I wasn’t really aware that he maintained his anonymity through out all these years given his legion of fans and a bunch of best sellers to boast for, and I guess that made me respect him even more.

Bob Ong is a true-blue Filipino writer who writes in Filipino with a bit of Taglish for flavor, as quoted in one of his books “Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.”. He has such a simple and relaxed style that makes it easy for me, who’s not very fond of reading, to get hooked and even be inspired to write as well. I’m sure many were.





Book 6 to 8 (images from the official publisher site)





I had my first encounter with a Bob Ong book during my third year in high school. His first book ABNKKBSNPLAKo?!?,talked about his life from childhood to adulthood, which in a way, perfectly portrays a typical Filipino growing up during his time. Almost anyone can easily relate to some of his experiences which I think what sparked interest in his book. Upon reading his second book, “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” I started to realize that there’s more to his writing than funny jokes and life stories, that there is a message he wants to send out to everyone who reads it, but he has such a discreet way of delivering it that you just realize it for yourself... you’ll be amazed how many times you’ll tell yourself “oo nga nu?” when you read his first two books. He has a lot of wisdom though you’ll never really notice it until you take time to really think about what he’s saying. His quotes are very simple and hard-to-miss reality, his words comes from the heart and real life experiences, may pinaghuhugatan kumbaga, to use one of his words, “isa siyang totoong tao, in English, Fact him!

Over the years, he published many more books and though he changed his style over time, less comic and deeper meanings, the wisdom just keeps on pouring. This post is a tribute to him and I’m leaving you with a compilation of some of his quotes that maybe useful in your life sooner or later.
For you, Bob Ong, my favorite author, Fact you!


1. “Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso… Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal…”
2. “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
3. “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
4.  ”Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko naibalik ang panahon.”
5. ”Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba”
6. “Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
7. “Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
8. “Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo’y papalubog na. Basta’t wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.”
9. “Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
10. “Merong matigas.. merong malambot.. merong tuwid..merong kulot.. merong buo..merong durog.. at merong mga taong hindi basta basta lumulubog!”
11. “Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.”
12. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
13. “Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”
14. “Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo, kailangan nkatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED..“
15. “Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.”
16. “Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.”
17. ”Tatlong uri ng mamamayan: Ang mahihirap, ang mas mahihirap at ang mga makapangyarihang oportunistang maylikha sa dalawa.”
18. “Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations kapag oras na ng sisihan.”
19. “Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?”
20. “Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskwelahan na gawing 0 to 10% lang ang ‘character’ sa computation ng grades gayong Character ang humuhulma sa tao, pamilya, bansa, mundo at kasaysayan?”
21. “Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa ako. Hindi pala lahat ng bata e dumadaan sa kamusmusan.”
22. ”Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”
23. “Nalaman kong mali ang laging mamigay ng pad paper sa mga kaklaseng linta na hindi bumibili ng paper kahit may pambili.”
24. “Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?”
24. “Minsan kailangan mong maging malakas, para amining mahina ka.”
25. “Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.”
26. “Kahit saang anggulo tingnan, mahirap yatang lunuking ang katwirang “eh ano kung mabaho tayo, may mas mabaho pa naman sa atin ah!”
27. “Ano ang talino kung walang disiplina?”
28. “Kulang ba tayo sa pagmamalaki? Ito ba ang dahilan kaya pinalitan ng Philipine Eagle ang maya bilang pambansang ibon? May mali nga ba sa mga simbolo ng ating kasarinlan at idelohiya?”
29. “Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo.”
30. “Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan, In English, Fact you pare!.. Totoo ka talaga, in English, fact you!.